NAKHON RATCHAÂSIMA, Thailand – Matapos talunin ang Sri Lanka noong Lunes ay giniba naÂman ng Philippine team ang Myanmar, 25-18, 25-22, 25-18, para sa kaÂnilang ikalawang sunod na panalo sa 17th Asian WoÂmen’s Volleyball ChamÂpionship sa MCC Hall of the Mall.
Naglista si Honey Royse-Tubino ng 12 points para pangunahan ang Power Pinays.
Ang tagumpay ang nagÂpalakas sa pag-asa ng mga Filipina na pumuÂwesÂto sa ika-9 hanggang ika-12 posisyon sa classiÂfiÂcation phase.
Nagdagdag naman si AiÂza Maizo-Pontillas ng 11 points at may siyam naÂman si Analyn Joy BeÂnito para sa Philippine team.
“Sobrang saya,†sabi ni team captain Angeli TaÂbaquero matapos ang laÂro. “Ang isang paÂnalo ay achievement na daÂhil baÂgo kami. Eh, naÂkaÂdaÂlawa pa, tapos three sets pa. Happy fiesta!â€
Si Tabaquero ang siyang umiskor ng game-clinÂching shot.
Lumayo ang FiÂlipina spikers mula sa 15-15 pagÂkakatabla nang umiskor ng 10 puntos kumpara sa tatlo ng Myanmar.
“Ang taas nu’ng pressure nu’ng una. Pero kami trabaho lang,†wika ni head coach Nestor Pamillar. “Ang tanging pananagutan namin ay magdala ng karangalan sa bansa.â€
Pinuri ni voÂleyÂball ofÂfiÂcial Doc Ian LauÂrel ang tagumpay ng PoÂwer PiÂnays, nabigong maÂnalo sa preliminaries.
“These girls may not be the strongest, but they certainly have the biggest heart to fight for our country’s pride,†wika ni LauÂrel.
Naniniwala naman si Myanmar coach Banteng Kaopoing na kaya pang magÂÂlaro ng mas maganda ang mga Filipina spikers.
“With good program, they will be strong again in Asia,†sabi ni KaoÂpoing na isang Thai national sa mga Filipina spikers. “I think the Philippine team is very strong. All they have to do is keep joining inÂternational leagues for experience and they will be big.â€