No. 4 seat asam ng PhilHealth at MMDA sa UNTV Cup

LARO NGAYON

(Treston College Gym, The Fort, Taguig)

4 p.m. PhilHealth vs MMDA

5:30 p.m. Congress-LGU vs PNP

 

MANILA, Philippines - Pag-aagawan ng PhilHealth at ng Metro Mani­la Development Authority ang No. 4 spot na may ka­samang ‘twice-to-beat’ in­centive sa quarterfinals sa pagtatapos ng eliminas­yon ng 1st UNTV Cup nga­yon sa Treston College gym sa The Fort, Ta­guig City.

Maghaharap ang PhilHealth at ang MMDA, pa­rehong may 2-3 record ka­gaya ng Congress-LGU sa ilalim ng Philippine Na­tional Police (5-0), Ju­diciary (4-2) at Armed For­ces of the Philippines (4-2) kasunod ang Department of Justice (0-6).

Sa ikalawang laro ay mag­­­tatapat naman ang PNP at ang Congess-LGU sa alas-5:30 ng hapon.

Pipilitin ng Congress-LGU na wakasan ang iti­­nalang five-game win­ning streak ng PNP sa ha­ngaring makapuwersa ng isang ng three-way tie sa 3-3.

Show comments