Knicks kumuha ng 2-players

NEW YORK – Pinapirma ng New York Knicks sina guards Chris Smith at Toure’ Murry.

Si Smith,  nakababatang kapatid ni Knicks guard J.R. Smith, ang  Sixth Man of the Year ng NBA. Si Chris Smith,  tumulong sa Louisville para makarating sa 2012 Final Four, ay nasa roster ng Knicks sa preseason noong nakaraang taon bago nagkaroon ng injury at ini-waive  bago magsimula ang  regular season.

Tinulungan naman ni Murry ang Rio Grande sa NBA Development League championship noong nakaraang season bago lumaro para sa Knicks sa summer league noong July.

Show comments