Army Lady spikers nakasiguro sa q’finals

MANILA, Philippines - Ginamit naman ng Army ang kanilang husay sa pag-atake upang igupo ang Meralco, 25-21, 25-16, 25-18 para makopo ang ikatlong quarterfinals berth sa Shakey’s V-League 10 Open Conference na nagpatuloy sa The Arena sa San Juan City kahapon.

Nagpakawala si Mary Jean Balse, dating UAAP MVP na tumulong sa Santo Tomas Tigresses na manalo ng titulo, ng 16 hits, walo sa kills, lima sa blocks at tatlo sa service aces upang pangunahan ang Lady Troopers sa pagsulong sa ikaapat na panalo sa 5-laro.

Sinamahan ng Army ang Cagayan Province, na-sweep ang elimination round assignment sa 7-0, at Smart na may 4-2 karta, sa susunod na round.

Ang Power Spikers ay nalaglag sa fifth bunga ng 3-3 record sa likod ng Air Force  na sumulong sa 3-2 record matapos lampasan ang matinding hamon na ibinigay ng Navy sa first set tungo sa 25-18, 25-19, 25-16 panalo para makalapit sa quarterfinals, sa unang laro.

Pinangunahan ni Joy Gazelle Cases ang pa-nanalasa ng Air Force sa pagtatala ng 18 hits, 16 sa kills at ang iba ay sa blocks tungo sa kanilang ikatlong sunod na panalo matapos simulan ang torneo sa da-lawang sunod na talo.

Isang panalo na lang ang kanilang layo para makapasok sa quarters.

Ibinigay naman nina Judy Ann Caballejo, Maika Ortiz at Liza de Ramos ang kailangang suporta ni  Cases sa kanilang pinagsama-samang 27 hits para sa panalo ng Air Force.

Maganda ang naging simula ng Lady Sailors na lumamang pa sa 5-1  ngunit nakabangon ang Air Wo-men para makuha ang 15-14 advantage pero tuluyang isinuko ng Navy ang panalo sanhi ng kanilang pagkalag-lag sa 1-5 baraha.

Si Navy skipper Mic Mic Laborte ay nagpa-kawala ng ace para basagin ang 15-all na kanilang hu-ling oposisyon bago dominahin ng Air Force ang mga sumunod na set.

 

Show comments