Reyes, 3 pa pasok na rin sa World 9-ball

MANILA, Philippines - Nanaig sina Efren ‘Bata’ Reyes, Marlon Manalo, Carlo Biado at Mark Antony sa mga nakatunggali para pumasok na sa World 9-ball Championship main draw ga-ling sa loser’s bracket sa Group Eliminations na ginawa kahapon sa Ala-rabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Hiniya ng 1999 champion na si Reyes si Young Jeong Hwa ng Korea, 9-4, sa Group 1; si Manalo ay nangibabaw kay Sniegocki Mateusz ng Poland sa Group 2; si Biado ay kuminang kontra kay Jasson Klatt ng Canada sa Group 6 at si Antony ay pinagpahinga si Marc Claramunt ng Spain,9-7, sa Group 4 upang magkaroon na ang Pilipinas ng walong manlalaro na maghahabol sa titulo ng torneo.

Nauna ng nakakuha ng puwesto  sina Antonio Gabica, Israel Rota, Marlon Villamor at Dennis Orcollo mula sa winner’s side.

Lumalaban pa para sa puwesto sa main draw sina Francisco Bustamante, Lee Van Corteza, Ramil Gallego at Jeff de Luna.

Show comments