Lamar Odom inaresto dahil sa drunk driving

LOS ANGELES --Inaresto si basketball star Lamar Odom dahil sa pagmamaneho nang lasing.

Sinabi ng isang California Highway Patrol officer na nakita niya ang puting Mercedes-Benz ni Odom na pagewang-gewang sa San Fernando Valley Freeway.

Pinahinto ang asawa ng reality TV star na si Khloe Kar­dashian ganap na alas-4 ng umaga at inaresto ma­tapos ang isang field sobriety test.

“Mr. Odom showed objective signs of intoxication and was unable to perform field sobriety tests,’” wika ng CHP sa isang report.

Sinabi pa ng mga awtoridad na tumanggi si Odom na sumailalim sa chemical test.

Nakatakdang imbestigahan ang 33-anyos na si Odom dahil sa pagmamaneho nang lasing at nakala­bas ng kulungan sa piyansang $15,000.

Naglaro ang 6-foot-10-forward para sa Los Angeles Lakers at Clippers, Miami Heat at Dallas Mave­ricks.

Unang nakita si Odom sa NBA noong 1999 para sa Clippers at naglaro ng apat na seasons bago ibuhos ang kanyang 2003-04 season sa Heat.

Sa kanyang anim na seasons sa Lakers simula no­ong 2004-05, nakasama si Odom sa paghahari ng ko­po­nan noong 2010 at 2011 at nabigyan ng NBA’s sixth man award noong 2011.

Matapos ang 2012 season sa Mavericks, nagbalik si­ya sa Clippers at naging isang free agent sa pagtatapos ng season.

 

Show comments