Generals asam makasalo sa No. 5 spot sa 1st round

MANILA, Philippines - Hangad ng Generals na makasalo sa pang-li­mang posisyon sa pagsa­gu­pa sa bumubulusok na Car­dinals.

Lalabanan ng Emilio Aguinaldo College ang Ma­pua ngayong alas-6 ng ga­bi sa elimination round ng 89th NCAA men’s bas­ketball tournament sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Sa unang laro sa alas-4 ng hapon ay maghaharap naman ang EAC Brigadiers at Mapua Red Ro­bins sa juniors’ division.

Nanggaling ang Ge­nerals sa 79-63 paggupo sa  Arellano University Chiefs noong Agosto 17.

Sa naturang tagumpay na nalimitahan ng EAC si Fil-Canadian James Forrester, isa sa mga top sco­rers ng Arellano.

Dahil dito, inaway ni Forrester si Generals’ roo­kie Sydney Onwubere at kailangan pang awatin ng mga venue bouncers para pakalmahin.

Napatawan si Onwu­be­re ng isang one-game sus­pension at hindi makakalaro kontra sa Cardinals.

Si Forrester ay nabigyan naman ng isang two-game suspension.

Muling aasa ang EAC kina Cameroonian Noube Happi at Jan Jamon.

Si Happi ay nagtatala ng mga averages na 14 points at 13 rebounds, ha­bang may 11 points per game average si Ja­mon.

Hangad naman ng Ma­pua na mawakasan ang kanilang six-game lo­sing slump.

Huling nakatikim ng pa­nalo ang Cardinals no­ong Hulyo 1 matapos ang 104-99 tagumpay laban sa San Sebastian.

Show comments