PNoy Sports kinansela ng PCSO

MANILA, Philippines - Inihayag ni PCSO Chairman Margie Juico na ang PNoy Sports na nakatakdang magsimula ngayon ay kanselado bunga ng pagbahang nangyari kahapon sa Metro Manila at mga kalapit na lugar sanhi ng  southwest monsoon rains na dala ng bagyong Maring.

 â€œI know the children are excited about the games, but we have to postpone it to another day,” sabi ni Chairman Juico.

May 400-kabataan na may edad 7-12 ang nagparehistro para sa PNoy Sports na gaganapin sana sa Liwasang Aurora Quezon City Memorial Circle para lumahok sa Fun Run, Luksong Baka, Patintero, Luksong Tinik, Sipa at Dama.

Show comments