Detroit hindi pala interesado kay Collins

DETROIT -- Ang Pistons ay may dalawang pla­yers na angkop sa center position.

Ang mga ito ay sina Andre Drummond at Greg Monroe na sinasabing makakasama sa starting five ng Detroit.

Kung isa man sa dalawa ang magkakaroon ng injury o malalagay sa foul trouble, malalagay sa alanganin ang Pistons.

Kaya inaasahang gagamitin ng Detroit ang isa ni­lang bakanteng posisyon sa line-up.

Si Jason Collins ay available, at napaulat na intere­sa­­do sa kanya ang Pistons.

Angkop ang kanyang laki sa hinahanap ng Detroit.

Ngunit hindi ito mangyayari.

Ayon sa The News, hindi seryosong ikinukunsi­dera ng Pistons si Collins.

Naghahanap ang Detroit ng ilang potensyal na sen­tro na maaaring sumuporta kina Monroe at Drummond na mas bata kesa sa 34-anyos na si Collins.

Show comments