Franklin pasok na sa Grizzlies

MEMPHIS, Tenn. – Pinapirma ng Memphis Grizzlies ang kanilang top draft selection na si Jamaal Franklin ng multiyear contract noong Biyernes ng gabi ngunit hindi sinabi ang terms ng deal.

Ang 6-foot-5, 191-pound guard ang No. 41 overall pick na hinugot sa second round. Pinangunahan ni Franklin ang San Diego State sa scoring, rebounding, assists at steals noong nakaraang season.

Show comments