Mozgov muling pinapirma ng Nuggets

DENVER -- Muling kinuha ng Nuggets si center Timofey Mozgov sa isang multiyear contract.

Ang 7-foot-1 na si Mozgov ay nagposte ng mga ave­rages na 2.6 points at 2.6 rebounds sa 41 games para sa Nuggets noong nakaraang season.

Sa kanyang 130 career games sa Denver at sa New York Knicks, nagtala siya ng mga averages na 3.9 points at 3.1 rebounds.

Kinuha ng New York bilang isang undrafted free agent noong 2010, napalipat si Mozgov sa Nuggets bi­lang bahagi ng isang three-team trade noong 2011.

Show comments