Tigers solo 2nd

MANILA, Philippines - Nakabuti ang desisyon ni UST coach Alfredo Jarencio na bigyan ng minuto ang bench players para manatiling sariwa ang mga kamador at makumpleto ang 79-69 panalo sa UP sa 76th UAAP men’s basketball kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang mga inaasahan na sina Aljon Mariano, Kevin Ferrer, Karim Abdul at Clark Bautista ang mga umiskor uli ng doble-pigura pero di tulad sa huling laro laban sa FEU, puno sila ng enerhiya para tapatan ang inspiradong paghahabol ng Maroons.

“Masama ‘yung nakaraan. Kasalanan ko yung talo namin sa FEU. Mababaw ang rotation ko kaya napagod sila,” wika ni Alfredo Jarencio na nasolo uli ang ikalawang puwetso sa 4-2 baraha.

Sina Mariano, Ferrer, Abdul at Bautista ay nagsanib sa 60 puntos at si Ferrer ay may 10 rebounds pa. May 9 puntos pa si Kim Lo para itala ng Tigers ang ika-13 sunod na panalo sa Maroons mula Season 69.

May 16 puntos si Samuel Marata pero siya lamang ang nasa double-di-gits para sa UP na nalaglag sa ikaanim na sunod na pagkatalo.

Tinapos din ng La Salle ang dalawang dikit na pagkatalo nang panain ang Adamson, 70-67, sa ikalawang laro.

Naging kakampi ng Archers ang 15-foot line nang nagtala ng 5-of-6 shooting sina Jeron Teng at Norberto Torres sa huling 41.9 segundo para manalo kahit nawala parang bula ang 15-puntos na kalamangan, 65-50, sa huling 5:25 sa orasan.

 

UST 79 - Mariano 18, Ferrer 16, Abdul 14, Bautista 12, Lo 9, So 4, Daquioag 4, Pe 2, Tan 0, Macasaet 0, Lao 0, Hainga 0, Faundo 0.

UP 69 - Marata 16, Lao 9, Wong 7, Pascual 7, Ball 7, Ligad 6, Gingerich 5, Suarez 4, Harris 4, Asilum 4, Gallarza 0.

Quarterscores: 21-15, 35-31, 56-48, 79-69.

DLSU 70 - N. Torres 13, Perkins 13, Teng 12, Vosotros 11, Van Opstall 10, Revilla 6, T. Torres 3, De La Paz 2, Tampus 0, Salem 0, Bolick 0.

ADU 67 - Trollano 14, Cruz 13, Abrigo 10, Cabrera 9, Inigo 7, Brondial 6, Sewa 5, Agustin 2, Julkipli 1, Rios 0, Petilos 0, Monteclaro 0.

Quarter-scoring: 18-7, 35-22, 55-42, 70-67.

Show comments