Mullens pinapirma ng Clippers

LOS ANGELES -- Pinapirma ng Los Angeles Clippers si free agent center Byron Mullens na naglaro ng dalawang seasons sa Charlotte.

Ang 7-foot na si Mullens ay nagtala ng mga ave-rages na career-high 10.6 points at 6.4 rebounds sa 53 games sa nakaraang season para sa Bobcats.

Si Mullens ay ang 24th overall pick noong 2009 ng Dallas Mavericks at dinala sa Oklahoma City mula sa isang trade.  Napanood siya sa 26 games para sa Thunder bago siya dinala sa Charlotte noong 2011.

Show comments