White kinuha ng 76ers sa Rockets

PHILADELPHIA – Nakuha ng Philadelphia 76ers ang rights kay Royce White at Furkan Aldemir mula sa Houston Rockets kapalit ng future draft conside-rations ayon sa pahayag ng Sixers nitong Sabado.

Si White ang first-round pick (16th overall) noong nakaraang summer at hindi nakalaro sa Rockets. Ang 6-foot-8  na si White ay nasa inactive list dahil nakikipag-areglo ito sa team kung paano makaka-laro dahil sa kanyang anxiety disorder.

Lahat ng pangyayari ay sinasabi ni White sa Twitter kung saan binabatikos niya ang team. 

Sinuspindi ng Rockets si White noong Jan. 6 matapos tumangging lumaro sa Rio Grande Valley sa NBDL.

Show comments