Wright pipirma sa Blazers

PORTLAND, Ore.  – Nakipagkasundo  ang Portland Trail Blazers kay free agent small forward Dorell Wright, lumaro noong nakaraang season sa Philadelphia 76ers, ayon sa taong may kinalaman sa negosasyon.

Ang nine-year NBA veteran na si Wright ay nag-average ng 9.2 points, 3.8 rebounds at 1.9 assists off the bench para sa Sixers noong nakaraang season. Na- trade siya sa Philadelphia mula sa Golden State noong July.

Kinumpirma ng 6’9 na si Wright ang deal sa Twitter sa pagpo-post ng “(hash)ripcity.’’ Pinasalamatan niya ang  76ers, ang kanilang fans at kanyang mga teammates.

Show comments