Rivers umatras na sa pakikipag-usap sa Clippers

BOSTON -- Ipinagbigay-alam ni Doc Rivers sa Los Angeles Clippers na hindi na siya kandidato para sa coaching job at pag-aaralan na lamang ang kanyang kinabukasan sa Boston Celtics, sinabi ng league sour­ces sa Yahoo! Sports.

 Bumagsak ang naunang usapan ng Celtics at Clippers kung saan nadismaya sina Rivers at Celtics gene­ral manager Danny Ainge.

Gusto ni Ainge ng isang first-round draft pick mu­la sa Clippers para pakawalan si Rivers mula sa kanyang kontrata.

Ngunit inalok lamang ng Clippers ang Celtics ng isang future second-round pick.

May nagsasabing ayaw bayaran ni Celtics team ow­­ner Donald Sterling ang five-year, $35 million contract ni Rivers.

Pinipilit ni free-agent star Chris Paul ang Clippers na kunin si Rivers bilang coach.

Kung hindi mahuhugot si Rivers ay payag si Paul na sumailalim kina Lionel Hollins, Brian Shaw o Byron Scott.

Show comments