PBA All-Star, Gilas Pilipinas nagtabla; Santos at Chan hinirang na co-MVPs

DIGOS CITY , Philippines  . -- Ipi­na­sok ni Jeff Chan ang isang three-pointer may 0.6 segundo sa gameclock para itabla ang Gilas Pilipinas sa PBA All-Star selection, 124-124, kagabi sa pang-24 na All-Star Game sa Davao del Sur Coliseum dito.

Dahil exhibition game lamang, hindi na nagka­ro­on ng overtime period ang laro na naging kauna-unaha sa isang All-Star Game sa kasaysayan.

Sina Chan, nagtapos na may 9 points, 6 rebounds at 6 assists, at si Arwind Santos ng PBA All-Star na nanguna para sa kanyang koponan sa hinakot na 27 points, 13 rebounds at 2 steals ang nahirang na co-Most Va­lua­ble Players ng laro.

Samantala, napanalunan nina JVee Casio ng Alaska, Malalag, Davao del Sur Mayor Rouel Pa­ras at Paolo Anota ng Rad­yo 5 ang Shooting Stars competition bago ang All-Star Game sa pa­mamagitan ng isang event record time na isang minuto at limang se­gundo.

Samantala, mula isa hanggang tatlong buwan na lamang ang magiging re­covery period ni Talk ‘N Text at Gilas Pilipinas pla­yer Jared Dillinger da­hil sa kanyang hip bone fracture na natamo sa isang ak­sidente kama­kai­lan at hin­di na tatlo hang­gang anim na buwan ka­tu­lad ng unang naiulat.

Ito ay matapos humi­ngi ng second opinion si Dillinger sa isang hip spe­­cialist at sinabihan na hindi na kailangang lagyan ng metal plates at screws ang kan­yang hip bone fracture.

PBA All-Stars 124 – San­tos 27, Canaleta 20, Ca­bag­not 15, Belga 15, Ellis 9, Abueva 9, Casio 9, Ba­guio 9, Lassiter 6, Caguioa 3, Yap 2.

Gilas Pilipinas 124 – Fo­nacier 18, David 17, De Ocampo 14, Thoss 11, Castro 11, Pingris 10, Tenorio 10, Norwood 10, Chan 9, Fa­jardo 9, Aguilar 5.

Quarterscores: 31-33; 65-66; 95-89; 124-124.

Show comments