Mga batang atleta biktima ng diarrhea sa Palarong Pambansa

MANILA, Philippines - Kabuuang 168 atleta na kalahok sa 2013 Palarong Pam­bansa ang nakaranas ng diarrhea isang araw bago buksan ang nasabing annual sports event sa Duma­gue­te City.

Ayon kay Office of Civil Defense Region 7 Director Minda Morante, ang 168 atleta mula sa Tacloban ay nakaranas ng matinding pananakit ng tiyan at kaagad dinala sa  Negros Oriental Provincial Hospital noong Sabado.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang diarrhea outbreak ay sanhi ng juice na ibinigay sa mga atleta ng Tac­loban.

Nagbukas ang 2013 Palarong Pambansa kahapon kung saan halos 8,000 atleta mula sa 17 rehiyon ang su­mali.

Huling idinaos ang Palarong Pambansa sa Linga­yen, Pangasinan noong 2012.

Show comments