Kuminang ang Shining Gold

MANILA, Philippines - Napangatawanan ng Shi­ning Gold ang mala­kas na pagremate upang ma­pasama ang mga de­hadista sa idinaos na ka­rera noong Huwebes ng ga­bi sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Si AR Villegas ang du­miskarte  sa nasabing ka­bayo na nakipagsukatan sa 13 iba pang katunggali sa class division 1 na inilagay sa 1,000 metrong dis­­tansya.

Ang Jade’s Song ang na­unang bumandera ba­go sumunod ang Show Mas­ter at sakay ang Shi­ning Gold pero pagpa­sok sa huling 400-m ng ka­rera ay bumulusok na ang nanalong kabayo para agawin ang kalamangan.

Sinikap ng Telenovela na sakay ni Jonathan Her­nandez at galing din sa likod na habulin ang  na­sa outer lane na Shining Gold.

Di napaboran ang Shi­­ning Gold dahil sa hindi magandang ipina­kita sa mga nagdaang ka­rera ka­ya’t nagpista ang mga na­nalig sa husay ng ka­bayo ma­tapos magpamahagi ng P98.50 sa win, habang ang 13-2 forecast ay may mas malaking P859.00 di­bi­dendo.

Lumabas naman bilang mga patok na kabayo na nanalo sa bakuran ng bagong race track na Me­tro Manila Turf Club ay ang Escolta, Saint Tropez at Mas Masaya ang Pinas.

Ang Escolta ay kuma­rera sa class division 4 sa 1,000m at hiniya ng ka­ba­yong sakay ni CB Tamano ang Security Prince para magkaroon ng dibidendo sa win na P8.00 at P36.00 sa 2-5 forecast.

Nanaig naman ang Saint Tropez sa Color My World para makapaghatid ang kabayong diniskartehan ni Pat Dilema ng P8.00 sa win at P28.00- sa 2-7 forecast.

Ang Mas Masaya sa Pi­­nas ay nagpamahagi rin ng P8.00 sa win sa ta­gumpay sa 3YO Handicap (1) race na pinaglabanan sa 1,400m distansya.

Nanaig ang kabayong sakay ni Fernando Raquel Jr. sa The Fountainhead ni DH Borbe patungo sa P14.50 dibidendo sa 3-6 forecast.

Show comments