ASEAN Basketball League: Williams ng SMB nagpasiklab sa ABL slam dunk contest

MANILA, Philippines - Pinatahimik ni Justin Williams ng San Miguel Beer ang maingay na manonood na sumuporta kay David Palmer ng Saigon Heat nang kunin ang panalo sa ASEAN Basketball League (ABL) slam dunk contest na itinaya noong Sabado ng gabi sa Phu Tho Stadium sa Ho Chi Minh City sa Vietnam.

Ang 6’9” import na si Williams na pansamantalang hinila ng Beermen para halinhan ang may injury na import na si Gabe’s Freeman ay gumawa ng windmill dunk habang nakasuot ng sunglasses para umani ng 49 puntos.

Si Palmer ang siyang naunang nag-dunk at nabigyan siya ng 48 puntos pero hindi sapat ito nang nau-ngusan pa ni Williams.

“If feels great to win the slam dunk crown,” wika ni Williams na naunang nag-dunk gamit ang dalawang bola bago sinundan ng dunk mula sa 15-foot line.

“I’ve been through some rough times recently but I’m very happy to be with San Miguel Beer as they treat me like family,” dagdag ng import na naunang kinuha ng Globalport sa PBA.

Nabigo si Leo Avenido na walisin ng Beermen ang mga pinaglabanang side events na bahagi ng Hoops Fest matapos maungusan ni Sheng Yun ng Singapore Slingers sa three-point shooting contest.

Tumapos si Sheng bitbit ang 13 puntos habang si Avenido ay may pito lamang.

Show comments