2 high school standouts paparangalan ng PSA

MANILA, Philippines - Kinikilala ang kahalagahan ng papel ng mga batang atleta sa sports development program, dala-wang student-athletes ang bibigyan ng special award sa Milo-PSA Annual Awards Night sa Sabado sa grand ballroom ng Manila Hotel.

Ang mga tatanggap ng Milo Junior Athletes of the Year plum ay sina multi-gold swimmers Axel Toni Ngui at Kirsten Chloe Daos.

Humakot sina Ngui at Daos ng pito at anim na gold medals, ayon sa pagkakasunod, sa 2012 Pala-rong Pambansa at sa Batang Pinoy National finals.

Kinilala si Ngui bilang Most Outstanding Athlete ng Palarong Pambansa nang pagharian ng 18-anyos na Ateneo student, nangangarap na maging doktor, ang swimming competitions sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen, Pangasinan.

Anim na gold medals din ang kanyang sinikwat sa National Capital Region qualifying leg sa Marikina City.

Sina Ngui at Daos ay dalawa lamang sa 59 personalidad na pararangalan bukod kina boxers Nonito Donaire Jr. at Josie Gabuco, ang Manila women’s softball team at ang Ateneo Blue Eagles bilang co-winners ng Athlete of the Year award.

Show comments