Faried nagpasikat agad sa Rising Stars Challenge

HOUSTON -- Humakot si Kenneth Faried 40 points at 10 rebounds at pi­nahanga ang mga fans mu­la sa kanyang mga slam dunks para tulu­ngan ang Team Chuck sa 163-135 paggupo laban sa Team Shaq noong Biyer­nes ng gabi.

Tinaguriang ‘Manimal’ dahil sa kanyang phy­sical style, nagsalpak si Faried ng 18-of-22 fieldgoals at napiling Most Valuable Player ng NBA Rising Stars Challenge.

Nakatakda siyang lu­mahok sa dunk contest sa All-Star Weekend.

Sa ikalawang sunod na taon, ang mga kopo­nan ay hinaluan ng mga roo­kies at second-year pla­yers bukod pa kina Sha­quille O’Neal at Charles Barkley na nagsil­bing mga ge­neral managers.

Tumipa naman si Sac­ramento Kings’ point guard Isai­ah Thomas ng 18 points at 10 assists pa­ra sa tropa ni Barkley.

Umiskor si Cleveland point guard Kyrie Irving, ang hinirang na 2012 MVP, ng 32 points at may 23 naman ang kanyang ka­kamping si rookie Dion Waiters pa­ra sa Team Shaq.

 

Show comments