Gilas Pilipinas, Eugene Amano tampok sa GMA News TV

MANILA, Philippines - Ngayong Linggo ng umaga mapapanood ang mainit na laban ng Gilas Pilipinas vs Dubai at kila-lanin ang Pinoy National Football League player na si Eugene Amano sa back-to-back sports-oriented programs na News TV All Sports at Sports Pilipinas sa GMA News TV Channel 11.

Mapapanood sa ‘News TV All Sports’ simula alas-9.30 ng umaga ang umaatikabong bakbakan ng Gilas Pilipinas kontra sa Dubai sa 24th Dubai International Basketball Championships. Kontrobersyal ang laban na ito dahil sa paggigirian at pagkakainitan ng mga manlalaro ng dalawang bansa.

Susundan ito ng ‘Sports Pilipinas’ bandang alas-11:15 ng umaga kung saan tampok ang mga exclusive interview sa full-blooded Pinoy na pasok sa National Football League o NFL na si Amano at kay Gilas Pilipinas player Marcus Douthit.  Sisilipin din ng programa ang estado ngayon ng boxer na si Macmac Acosta, isang taon matapos mamatay ang kalaban niyang si Karlo Maquinto.  Gaano siya naapektuhan sa pagpanaw ng kanyang kalaban?

Tunghayan ang lahat ng ito bukas sa News TV All Sports at Sports Pilipinas simula 9.30 am sa GMA News TV Channel 11.

Show comments