Guirado, 2 pa sinisikap ng PFF na makalaro sa Azkals vs Singapore

MANILA, Philippines - Sa pagbabalik ng Azkals sa kanilang kampo matapos umabante sa semifinals ng 2012 AFF Suzuki Cup, pilit namang kinukumbinsi ng Phl XI management ang mga football clubs nina Jerry Lucena, Dennis Cagara at Angel Guirado para payagang maglaro laban sa Singapore.

Ang midfielder na si Lucena ay naglalaro sa Esbjerg FB sa Danish Superliga, habang ang defender na si Cagara ay nasa Karlsruher SC at ang midfielder na si Guirado ay nasa Salgaocar FC sa I-League.

Nagbalik sila sa kani-kanilang mga football clubs matapos ang panalo ng Azkals sa Suzuki Cup group stages sa Bangkok.

Umaasa ang Azkals na muli silang makakalaro sa semis sa pangarap na finals stint sa AFF Suzuki Cup.

“From the lineup we had in Bangkok, some of the players are yet to be released by their clubs,” sabi ni Azkals manager Dan Palami kahapon sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.

Ang tropa ni Lucena ay may laro sa Sabado kagaya ng pagharap ng Azkals sa Singapore sa first leg ng semis sa Rizal Memorial Football Stadium.

Ngunit maaari pa rin nilang mahugot si Lucena para sa second leg sa Disyembre 12 sa Singapore.

Hinggil naman kina Cagara at Guirado, sinabi ni Palami na inaasahan nilang makakatanggap ng tawag mula sa football clubs ng dalawa.

Show comments