_pang-masa
^

PM Sports

Walang kupas si Jaworski

WHETHER YOU LIKE IT OR NAP - Nap Gutierrez - Pang-masa

Si Robert Jaworski ang bida pa rin sa bagong commercial ng Ginebra San Miguel.

Walang kupas ang mama.

Siya pa rin talaga ang simbolo ng Ginebra.

Ano kaya, kung siya na lang ang mag-head coach sa Barangay Ginebra?

***

Nag-launch ang Blackwater ng kanilang bagong endorser at ‘yan ay si senatoriable Sonny Angara.

Siyempre pa, dumating ang mga players ng Blackwater team sa D-League.

***

Malalaman na kung sino ang magiging head coach ng isang college team.

Natapos na ang kontrata ng kanilang dating head coach.Marami ang nag-submit ng kanilang mga resume.

Nagbuo sila ng committee para pagbotohan kung sino sa palagay nila ang dapat na umupo bilang next head coach.

By next week, alam na natin ang desisyon nila.

***

Naghahanda na ang UAAP para sa kanilang volleyball competition.

Sa December 1 na ito magbubukas.

Live ang mga laro na inihahatid ng Studio 23.

***

May darating na event ang Samsung.

‘Yan ay ang kanilang Samsung App awards.

‘Yung mga may smartphones ng Samsung na nag-upload ng Samsung application via Android ang siyang nakabto kung sino sa  palagay nila ang MVP, Mythical 5, etc sa nakaraang UAAP.

Hindi kailangang pareho ang resulta sa naging choices ng UAAP mismo.

May mga nanalo na base sa boto ng Samsung phone users at ihahayag nila ‘yan next week.

***

Happy birthday sa mga kaibigan nating sina Jerry Codinera at Alvin Patrimonio.

 

ALVIN PATRIMONIO BARANGAY GINEBRA GINEBRA SAN MIGUEL JERRY CODINERA SA DECEMBER SAMSUNG SAMSUNG APP SI ROBERT JAWORSKI SONNY ANGARA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with