Mike Brown masaya sa kanyang pagkakasibak

LOS ANGELES -- Ang pagkakatanggal sa tra­baho ay hindi isang bagay na nakakatuwa.

Ilang oras matapos siyang sibakin ng Los An­ge­les Lakers noong Biyernes, nagtungo si coach Mike Brown sa Chik-fil-A restaurant para kumain ng isang masarap na chicken sand­wich.

Sa isang larawan na ini­labas ng TMZ, makikitang masayang-masaya si Brown matapos tanggalin sa kanyang trabaho bilang mentor ng Lakers.

Nakatakda pang tumanggap si Brown ng halos $11 milyon na natitira sa kanyang $18 million deal na pinirmahan niya sa Lakers.

Show comments