Agosto 14, 2019
TAROT GABAY - Madam Rosa (Pang-masa) - August 14, 2019 - 12:00am

AKIT SUWERTE: Isa sa kapangyarihan na made-develop sa regular practice ng oracion meditation ay ang telepathy at thought transference sa buhay at sa mga yumaong kaluluwa. Kailangan ang oracion at sacred world upang magkaroon ng proctection.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Tarot Symbol: Postulant  – Kung gusto mong maging religious. Pumasok ng kumbento para sa kapayapaan ng kalooban. Mag-aral ng oracion meditation upang mapasok mo ang kalooban. Suwerte sa kulay tangerine. Lucky numbers ay 13, 46, 23, 33 at 53. Tumaya sa lotto bandang 8:30 am.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Tarot Symbol: 6 of Suns  – May bago kang condo unit na kailangan ng feng shui para ma-attune sa iyo ang vibration ng property. Suwerte sa kulay lilac violet. Lucky numbers ay 15, 33, 23, 45 at 55. Tumaya sa lotto bandang 8:45 am.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Tarot Symbol: Temperance  – Matutuwa ka dahil mata-transform mo ang isang masalimuot na event to your advantage. Mayroon kang gift of the moment. Suwerte sa kulay scarlet red. Lucky numbers ay 17, 37, 27, 55 at 43. Tumaya sa lotto bandang 2:13 pm.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) Tarot Symbol: Master  – Nasanay ka na sa pagko-control ng pananalita. Imbes na mamura ay papuri ang binibitiwan para ma-akit ang masaganang suwerte. Suwerte sa kulay dollar green. Lucky numbers ay 21, 15, 46, 31 at 58. Tumaya sa lotto bandang 9:33 am.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Tarot Symbol: Ace of Suns – Ang natulungan noon ay tutulong sa-iyo ngayon. Magpasalamat ka sa kanya at hindi ka nakalimutan. Tuluy-tuloy ang daloy ng suwerte sa iyo. Suwerte sa kulay sapphire blue. Lucky numbers ay 41, 21, 56, 11 at 33. Tumaya sa lotto bandang 3:33 pm.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Tarot Symbol: 4 of Sphere  – May balik ang good work. Sa karagdagang project, increasing ang income. Suwerte sa kulay shocking pink. Lucky numbers ay 21, 41, 17, 35 at 53. Tumaya sa lotto bandang 10:27 am.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) Tarot Symbol: The Hanged Man – Nabitin ang mga project dahil sa sumpong ng sakit, alagaan ang health sabayan ng atternative treatment. Suwerte sa kulay mustard yellow. Lucky numbers ay 31, 43, 15, 25 at 55. Tumaya sa lotto bandang 3:33 pm.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Tarot Symbol: The Hermit  – Magpakatotoo sa sarili. I-express mo ang iyong kalooban. Kung hindi mo ito mae-express, mag-iisa ka habang buhay. Suwerte sa kulay flame red. Lucky numbers ay 45, 31, 27, 13 at 53. Tumaya sa lotto bandang 8:26 am.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) Tarot Symbol: 3 of Moons  – Aralin ang ritual ng spirit of the rose dito mo ma-akit ang perfect partner sa buhay. Kumonsulta sa psychic para sa tamang gabay. Suwerte sa kulay indigo blue. Lucky numbers ay 21, 46, 32, 58 at 11. Tumaya sa lotto bandang 4:41 pm.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) Tarot Symbol: 6 of Stars  – Planuhin ang iyong dapat gawin kapag retired ka na. Mag-aral ng bagong skills para sa self expression. Suwerte sa kulay satin white. Lucky numbers ay 21, 31, 48, 15 at 58. Tumaya sa lotto bandang 9:11 am.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Tarot Symbol: 3 of Suns  – Magiging mabenta ang iyong likha. Ang maging author ay achievement mo ngayon. Suwerte sa kulay pink rose. Lucky numbers ay 57, 39, 46, 22 at 11. Tumaya sa lotto bandang 3:11 pm.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Tarot Symbol: Astronomer  – Nais ng iyong ex na bumalik sa iyo. Kumonsulta sa psychic sa decision na gagawin. Aralin sa kalooban ang principle of acceptance. Suwerte sa kulay lilac violet. Lucky numbers ay 37, 17, 21, 43 at 53. Tumaya sa lotto bandang 10:36 am.

TAROT GABAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with