Marso 16, 2018

AKIT SUWERTE: Ang susi para mabuksan ang gate ng Kingdom of God sa kalooban ay oracion. Ito ang magbibigay ng daluyan upang mapasaiyo ang masaganang karanasan para maging masaya ang buhay.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Tarot Symbol: Jesus Christ; The Sun – Paggising sa umaga, makikita ang sinag ng araw. I-welcome mo ang new day. Pasalamatan ang Diyos sa lahat ng mayroon ka. Kasaganaan ang dadaloy sa iyo. Suwerte sa kulay ruby red. Lucky numbers ay 13, 46, 17, 20, 39 at 53. Tumaya sa lotto bandang 1:18 p.m.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) Tarot Symbol: Ten of Staff – Interesting ang pagsisimula ng project. Gumawa ng vision of life para magabayan sa work plan. Ingatan ang credit card. Suwerte sa kulay taffy brown. Lucky numbers ay 33, 41, 17, 13, 35 at 24. Tumaya sa lotto bandang 10: 15 a.m.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) Tarot Symbol: St. Jude; King of Coins – Mag-ingat sa multi-level marketing business. Darating ang OFW friend at bibisita sa iyo. Tatanggap ng balik-bayan box. Suwerte sa kulay mango orange. Lucky umbers ay 32, 39, 42, 19, 51 at 47. Tumaya sa lotto bandang 1:11 p.m.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Tarot Symbol: Six of Swords – Kailangan magpa-Aura Cleansing upang maakit ang magagandang events. Masasalubong ang childhood friend sa mall. Mayroong bagong business na io-offer sa iyo. Suwerte sa kulay snow white. Lucky numbers ay 28, 35, 53, 16, 21 at 19. Tumaya sa lotto bandang 8:13 a.m.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Tarot Symbol: St. James; Knight of Staff – Malalaman ang saloobin ng mga katrabaho sa bull sessions na gagawin. Gumawa ng relationship goals. Suwerte sa kulay electric blue. Lucky numbers ay 22, 30, 41, 39 at 25. Tumaya sa lotto bandang 1:21 p.m.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Tarot Symbol: Four of Cups – Mag-past life regression upang malaman ang ugat ng iyong failures sa buhay. Magiging tagumpay sa pagrere-invent ng iyong pagkatao. Suwerte sa kulay ube purple. Lucky numbers ay 22, 30, 41, 15, 50 at 24. Tumaya sa lotto bandang 3:39 p.m.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Tarot Symbol: St. Andrew; King of Cups – Kahit masaya ang pagre-reward sa sarili,  sakit sa atay ang effect nito. Ingatan ang kalusugan. Suwerte sa kulay tangerine. Lucky numbers ay 17, 32, 35, 48, 13 at 52. Tumaya sa lotto bandang 9:17 a.m.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Tarot Symbol: St. Gabriel; Judgement – Kikita ng income sa party events na dadaluhan. May helpful person na makikilala sa social events. Suwerte sa kulay scarlet red. Lucky numbers ay 27, 32, 13, 49, 46 at 15. Tumaya sa lotto bandang 3:34 p.m.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) Tarot Symbol: Ace of Swords – Huwag pansinin ang nakakalokang tsismis. Mahalin ang kaaway. Ito ang magbibigay ng suwerte sa iyo. Suwerte sa kulay shocking pink. Lucky numbers ay 43, 26, 16, 55, 28 at 34. Tumaya sa lotto bandang 4:41 p.m.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Tarot Symbol: San Roque; Squire of Staff – Deserve mo ang promotion at maraming maiinggit sa iyo. Mag-practice ng oracion meditation para makayanan ang intriga. Suwerte sa kulay lilac violet. Lucky numbers ay 44, 36, 29, 15, 24 at 50. Tumaya sa lotto bandang 9:27 a.m.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Tarot Symbol: Eight of Staff  – Dahil sa kakuriputan mo, ospital naman ang bagsak mo. Mas malaki pa ang gastos mo. Suwerte sa kulay cobalt blue. Lucky numbers ay 16, 13, 42, 27, 35 at 46. Tumaya sa lotto bandang 3:11 p.m.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) Tarot Symbol: Ten of Swords – Maging tactful ka sa traffic officer. Mag-ingat dahil baka maging viral ang video sa social media. Labanan ang depression. Suwerte sa kulay sunflower yellow. Lucky numbers ay 26, 33, 12, 17, 05 at 46. Tumaya sa lotto bandang 11:11 a.m.

Show comments