Anak na tinatalikuran ni nanay

Dear Vanezza,

Inggit ako sa mga classmates ko na may kinalakihang magulang. Samantalang ako ay kay lola na kaaway ko ang lahat dahil spoiled brat daw ako kay lola. Gusto ko sana makasama ko ang nanay ko, pero ayaw niya dahil may siyam na raw siyang mga anak niya sa iba. Kahit tuwing Sunday lang sana para makita ko siya, pero tinatalikuran ako ni nanay. Ano ba ang dapat kong gawin? - Malou

Dear Malou,

Puwede namang dalawin mo lang si nanay, pero hindi mo kailangang doon mag-stay sa kanila. Baka worry si nanay na hindi ka niya maasikaso. Maghintay lang sa tamang panahon na makapiling si nanay at huwag sumuko.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments