Kasipagan at oportunidad
PRODUKTIBO (Pang-masa) - February 26, 2020 - 12:00am

Yes, kailangan mo ng trabaho, pero dapat ay maghanap din ng oportunidad. Dahil ang opportunity ang sasagot sa iyong mga  problema.

Minsan ay nabubulagan lamang sa hinahanap na pagkakataon, pero minsan ay nasa harapan mo lamang ito. Ang opportunity gaya ng sinag ng araw kung maghihintay ng pagsikat nito ay matatagalan ka pang tumunganga.

Kapag dumating na ang bukang liwayway at kung hindi rin handa ay dadaan lamang ito sa iyo.
Minsan ang pagkakataon ay hindi dumarating sa perfect na oras, ganun pa man ay kailangang maging alisto at handa upang dumating man any moment ay hindi ka na mabubulaga.

Wala rin dahilan na maghintay lamang kung kailan dadapo sa iyo ang oportunidad. Importante na magkaroon ng tamang mind set na maging masipag at i-polish ang iyong kahinaan. Ang hindi alam ng ilan na ang­ opportunity ay nagbabalat kayo bilang hard work na hindi lamang ma-recognize ng marami.Dahil ang kasipagan ay nagbubukas ng mara­ming pinto ng opportunity.

Kailangan lamang ibuhos ang iyong oras, effort, at commitment bilang susi patungo sa advantage na magkaroon ng magandang pagkakataon sa buhay

OPPORTUNITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with