Partner in crime na mag-asawa

Pag-uwi ng bahay galing sa honeymoon nina hubby at wifey ay nag-unpack na ng maduduming damit ang maybahay. Kaya nakapila na ang mga maruruming damit sa lapag.

Handa na ang babae sa kanyang “wife” duties kahit pa ang pagharap sa tambak na labahin. Gustong ipakita ni misis ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng action nito. Pagtunog ng washing machine ay napasambit ang babae na “ito ang trabaho ko!”

To the rescue naman si mister para tumulong sa paglalaba. Pero tumanggi si misis sa pagsasabi na “this is my job” na mabilis naman na pag-correct ng lalaki. Wala raw dapat label na “akin itong trabaho and your job” dahil kasal sila at kailangang magtrabaho silang magkasama bilang team.

Iniisip ni misis kung hanggang kailan magtatagal ang ganitong set up. Komportable naman si misis bilang katuwang lang ni mister. Nakasanayan ni misis sa kanyang pamilya ang gender role na may label sa gawing bahay ang babae at lalaki. Samantalang si mister ay pinalaki ng isang single mother na walang luho at arte sa katawan sa kahit anong trabaho.

Nagpapasalamat si misis na maaga pa lamang ng kanilang pagsasama ay partner in crime na sila ni mister. Kahit paglipas ng 30 years nilang pagsasama ay tinutupad pa rin ni mister ang kanyang pangako na tinutulungan niya si misis sa paglalaba, paglilinis, pagluluto, at kahit anong gawaing bahay. Samantalang patuloy na tinutulungan din ni misis ang asawa sa paggugupit ng damo, paglilinis ng garahe, paglabas ng basura, at iba pang trabahong panglalaki.

Hindi man typical na role ng mag-asawa ang kanilang set up, hindi ibig sabihin ay may mali na sa kanilang pagsasama, bagkos ay kakaiba lang sa mga normal na pamilya.

Show comments