Bisor na kulang sa sex

Dear Vanezza,

Walang kupas ang supervisor ko na walang ginawa kundi maghanap ng mali ng under sa kanya. Halatang kulang lang sa sex na palibhasa ay matandang dalaga. Kaya nga siguro walang lalaki ang nagkagusto sa kanya. Dahil ubod niyang sungit, suko na ako. Kung hindi lamang sa mga anak ko ay matagal na akong bumigay. Ano ba ang gagawin ko? – Leroy

Dear Leroy,

Magtiis lamang sa iyong trabaho. Ibigay ang iyong best effort. Huwag pansinin ang masungit na bisor. Sa halip ay suklian siya ng kabutihan na tiyak na lalambot din ang kanyang puso. Patuloy na gawing inspirasyon ang iyong mga anak upang mabaling ang iyong intensyon sa iba kaysa maapektuhan ang iyong trabaho.

Sumasainyo,

Vanezza

 

Show comments