Natatakot itakwil ng pamilya

Dear Vanezza,

Tatlong taon na akong first year college sa nursing. Hindi sa mapurol ang utak ko, pero puro nasa medical field ang pamilya ko. Gusto nila ay maging nurse rin ako, pero hindi naman ako masaya. Natatakot ako na itakwil ako ng pamilya ko. Paano ko ba sasabihin sa magulang ko na iba ang trip ko? - Roger

Dear Roger,

Magtapat na sa iyong parents na aminin na hindi mo gustong maging nurse balang araw. Kaysa sa nasasayang lang ang iyong panahon at pera. Sa halip ay sundin kung ano ang gustong kurso na magpapasaya sa iyo. Tiyak na mauunawaan ka rin ng iyong pamilya.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments