Romantic na VDay ng OFW

Ang simpleng romantic na selebrasyon ng Valentine’s Day para sa overseas Filipino workers na bagamat physically na magkalayo mula sa asawa ay pinapanatiling buhayin pa rin ang spark para sa mahal sa buhay.

Kahit nasaan mang sulok ng mundo ay hindi kinakalimutan na ma­ging romantic na batiin ang kanilang mga anak at pamilya lalo na ang asawa.

Ang isang video call ay sapat nang nagpapaligaya sa mga OFW upang sabihin na “I love you” sa kanilang mga darling. Tiyak na nagpangiti kay misis kahit nasa ibang bansa si mister.

Mas masuwerte ang mga asawa na nagawang makarating ni mister sa selebrasyon ng Araw ng mga Puso upang lalong maging matamis ang pagsasama ng mag-asawa. Sa mga malayo ang partner na OFW ay hindi naging hadlang upang hindi pakiligin ang kanilang mga misis sa pagpapaabot ng mensahe ng pagmamahal sa kanilang maybahay. Dahil malayo man ay malapit din kung nanaisin lalo nang hi-tech na ngayon na walang imposible para hindi pasayahin ang mahal sa buhay.

Show comments