Nababaliw sa Kalungkutan

Ang romantic na hiwalayan blues ay nagbibigay ng stress at anxiety sa isang tao.

Ang breakup, kabiguan,  at masaklap na emotional pain ang isa sa mahirap na pinagdaraanan ng indibidwal na inuugnay sa chemical reaction ng brain.

Kasunod ang pagbaba ng dopamine at serotine level na nagreresulta ng depression, anxiety, at feeling na na-reject.

Hindi kailangan malunod sa kalungkutan. Tandaan, ang nararamdamang sakit ay bunga lamang ng reaction nga ng brain chemistry na naiiyak o sobrang lungkot, pero hindi ibig sabihin ay “nababaliw” na. Huwag mag-alala dahil pansamantala lamang nararamdaman, pero babalik din ang balanse ng isipan at puso.

Payo ng psychologist, sa hiwalayan ay huwag nang i-stalk ang dating dyowa. Hindi ito magbibigay ng comfort, bagkus ay kahihiyan.

Sa halip ay pakinggan ang boses ng isipan at katawan na kailangan nang magpahinga. Kaya magpokus na i-renew ang goal para sa sarili at hindi sa taong nagbibigay lamang ng sama ng loob na at hindi nagpapahalaga sa iyong katayuan.

Show comments