Mister nagmimilagro

Dear Vanezza,

Close kami ng mister ko, pero biglang ayaw na niyang ipahawak ang cell phone niya. Lumalabas din siya ng bahay kapag may kinakausap na dati naman ay hindi niya ginagawa. Hinala ko ay may milagrong ginagawa ang mister ko dahil pati suweldo ay bawas na inaabot sa akin. Ano ba ang gagawin ko? - Anna

Dear Anna,

Walang ibang paraan kundi komprontahin mo si mister. Kung sa kutob mo ay may mas malalim pa ay saka ka pa mag-imbestiga.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments