Tumatalong needlefish mula sa dagat, tumusok sa leeg ng isang binata!
GRABE NA ‘TO (Pang-masa) - January 24, 2020 - 12:00am

Ang binatang si Muhammad Idul mula Indonesia ay sumama diumano sa kanyang mga magulang para ma­ngisda nang mangyari sa kanya ang isang ‘di inaasahang aksidente.

Ang mahabang nguso ng isdang needlefish na galing umano sa ila­lim ng dagat at lumipad papunta sa kanya ay tumusok nang ‘di sinasadya sa kanyang leeg at tumagos sa likod ng kanyang batok at bungo.

Agad na itinakbo sa ospital ang biktima para lapatan ng lunas, kung saan napagdesisyunan ng mga doktor na operahan na lang ito.

Tumagal ng dalawang araw bago natanggal ang isda sa kanyang leeg.

Ang dalawang oras na operasyon ay isinagawa ng tatlong surgeon at dalawang anaesthetists.

“To remove the fish snout, one must be very careful because there is a large vessel in the neck. Luckily it was not released, so the fish’s snout is blocking the bleeding,” pahayag ni Doctor Syafri K. Arif.

Kilala ang needlefish sa mahaba nitong nguso at matatalas na ngipin na kayang-kayang bumaon sa kahit kanino. May kakayahan din silang tumalon sa tubig ng hanggang 60km/h.

Samantala, nagpapagaling na si Idul at inaasahang makakalabas na agad ng ospital.

MUHAMMAD IDUL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with