Daliri sa paa ng isang babae, gahigante ang laki!
Sumailalim sa isang operasyon ang isang babaeng may higanteng daliri diumano sa paa. Si Dr. Brad Schaeffer, isang Jersey-based podiatrist ang nagtanggal nito, at ayon sa kanya ay interesanteng kaso ang nangyaring ito sa kanyang pasyente.
“She has a really big toe. Her body, for whatever reason, wanted to grow another toe on the inside of her foot.”
Katuwang ni Dr. Schaeffer si Dr. Sarah Haller sa pag-opera ng nasabing malaking daliri. Hiniwa ito sa gitna para tanggalin ang kuko at sobrang buto, pero habang tumatagal ang operasyon, na-realize ni Dr. Schaeffer na kritikal ang gagawing pagtanggal dito.
“You know, when looking at an X-ray, it looks like there is a clear demarcation where there’s like a nice joint, but that bone is attached in a certain way to where I just can’t get through it with a blade.”
Sa huli, tagumpay pa rin nilang natanggal ang sobrang buto.
Maayos na ang kalagayan ng pasyente at kasalukuyan na niyang ini-enjoy ang kanyang normal na hinlalaki.
- Latest