Dumikit na Abo sa Kotse

Kung ang inyong kotse o sasakyan ay nadumihan mula sa abo ng bulkang Taal, kailangan ito agad tanggalin nang dahan-dahan. Huwag gumamit ng tuyong basahan o sponge para ipahid sa kotse.

Para mabilis na malinis ang abo ay itapat ito sa hose na malakas na tulo ng tubig o gumamit ng pressure washer hanggang matanggal ang maliliit na debris. I-check na hindi naipon ang mga abo sa space o wiper ng kotse. Gumamit ng car shampoo saka paliguan ang kotse. Banlawan at punasan ng malambot na tuyong basahan.

Laging safe na takpan ang kotse kung hindi rin gagamitin ang sasakyan.

Show comments