^

Para Malibang

Zombie Family (323)

Gilda Olividado - Pang-masa

SINUYOD ng napakaraming body parts ang ilalim ng dagat sa paghahanap kay Nikolai.

Pero hindi nila natagpuan.

Dahil may kakayahang huminga sa ilalim ng tubig, kaya naman ng mga body parts ni Marga ang pananatili sa dagat kahit maghapon o magdamag pa.

Nababahala na si Herman.

“Bakit kaya hindi pa sila umaahon, General? Mukhang hindi pa rin nila nakikita ang katawan ni Nikolai.”

“Iyan ang klaro. Pero ang dami nilang naghahanap, imposibleng hindi nila makita si Nikolai eh, paligid na ng dagat na malapit sa atin ang sinusuyod nila.”

“Wala naman akong napapansin na flow ng tubig na palayo.”

“Ako man. Wala nang hangin. Kaya parang hindi umaalis ang tubig.”

“Ibig sabihin, hindi inaanod si Nikolai.”

“Nakakapagtaka. Isa pang tanong, kumusta na kaya ngayon ang mga lasog-lasog na bahagi ng katawan ni Leilani?”

“Kung matutulad siya kay Marga, mga ilang araw din, General bago naging buhay na body parts ang mga bahagi ng katawan ni Marga.”

“So we have to wait of what we are expecting?”

“Ganoon na nga ho.”

GABI na. Ang paghahanap kay Nikolai ay wala pa ring resulta. Alerto pa rin ang military pero pinatigil muna ang search operation for Nikolai.

Ang mga body parts ni Marga ay nagpapahi­nga rin muna sa paghahanap. Nasa isla na, natutulog ang lahat.

Si Herman ang nag-aalala. Ano na ang nangyayari kay Nikolai? Ayaw niyang masaktan si Laurice, alam niyang masakit kay Laurice kapag hindi na nakabalik si Nikolai.

Handa na sana siyang palayain si Laurice.

Para maging normal na ang buhay nito sa pi­ling ng isang taong hindi nata-trap ang awa at guilt sa nangyari sa kanyang ginawang kabit.

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with