Ano ang kapalaran mo sa 2020?

Part 11

DOG

Career Forecast: Ma­ka­tatanggap ng paghanga at pagpapahalaga mula sa kanilang boss. Ang pag­hanga at pagpapahalaga na ito ay maaa­ring mag­reresulta sa job promotion.

Wealth Forecast: Ang Dog people ang pinakamasuwerte sa pagtaya sa lotto sa taong ito.

Magi­ging maganda rin ang daloy ng pera lalo na sa mga may career o negos­yo na may kinalaman sa designing, financial at hardware. Mainam na pag-isipang mabuti ang bawat business deals na papasukin at makinig sa mga suhestiyon ng taong nagmamalasakit sa kanila upang maiwasan ang pagkakamali.

Love and Relationship Forecast: Ang single male Dog ay makakatagpo ng bagong pag-ibig. Ngunit ang single female Dog naman ay maliit ang tsansa na magkaroon ng karelasyon. Magkaganoon pa man, dumalo sa social activities tuwing weekend at ito ang maaaring maging venue para  makahanap ng bagong pag-ibig.

Health Forecast: Iwa­san magbilad  sa araw at siguraduhin na gumamit ng lotion na may mataas na SPF upang maproteksyunan ang balat. Iwasan din kumain sa labas na walang kasiguraduhan ang kalinisan.

Show comments