Tamang direksyon ng buhay
MOVE ON NA TEH! - Miss Violet (Pang-masa) - December 30, 2019 - 12:00am

Ang makatakas sa pagkakaroon ng low mood at depression ay isang joyous sensation sa indibidwal.

Para kang naka-survive na dumaan sa isang madilim na tunnel palabas sa maliwanag na lugar na sinisinagan ng araw. Kaya bigla rin na ang mundo ay naging space sa mga gustong gawin. Sa halip na maawa sa sarili, nagkaroon ng ambisyon at drive na matupad ang iyong pangarap.

Nagkaroon muli ng happiness at pokus na mamangha sa maraming bagay na posible na ngayon.

Ayon sa mga psychologists, kailangan lamang maintindihan na baguhin kung ano ang ginagawa sa araw-araw upang maibaling din sa tamang direksyon ang anomang negatibong pag-iisip. Kaya huwag nang hintayin na gumanda ang pakiramdam katulad ng da­ting kinawiwilihang ginagawa. Bagkus ay samantalahin ngayon na magbagong buhay lalo na sa pagpapalit ng taon para sa new chapters ng journey sa mundong ginagalawan.

BUHAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with