Kape pampalambot ng labi

Nagbabalat na mga labi ang isa sa mga problema natin sa tuwing lumalamig ang panahon. Madali kasi itong mag-dry lalo na kung hindi tayo mahilig uminom ng tubig.

Bago maglagay ng lipstick, ihalo ang kalahating kutsarita ng coffee grounds sa tatlong patak ng honey. Pagkatapos nito ay maaari nang ilagay ang mixture nang direkta sa labi.

Dahan-dahan itong i-scrub sa lips ng 30 segun­do at pagkatapos ay banlawan. Maglagay ng soothing balm pagkatapos itong gawin.

Samantala, marami rin sa atin ang may under-eye dark circle o pamamaga na dahil sa fluid retention at kakulangan sa tulog.

Makatutulong ang di­rektang paglalagay ng pinalamig na coffee grounds sa ilalim ng mata. Hayaan ito ng 10 minuto at saka banlawan.

Show comments