^

Para Malibang

Zombie Family (285)

Gilda Olividado - Pang-masa

TUWANG-TUWA ang flying zombie.

Sobra ang katuwaan nito kaya kahit mapuno ang kinalalagyan, hindi napigil ang sarili na lumipad nang lumipad.

Nalalaglag ang mga dahon at maliliit na sanga kapag tinatamaan ng kanyang mga pakpak.

“Lagot sa akin ang mga taong ‘yan! Dahil pinahirapan ako ni Herman at ng mga lintek na body parts na ‘yon, mga tao ang gagantihan ko! Alam kong madudurog ang puso ni Herman kapag pinahihirapan ang mga kapwa tao niya! Pero hindi pa rin ako tapos sa mga body parts na ‘yon na kamping-kampi kay Herman. Babalikan ko sila sa isla at titiyaking mamamatay sila!”

Pinlano na niya kung saan unang aatake. Mga pinakamalapit sa isla na lugar ang gusto niyang biktimahin kaagad.

“Mamayang gabi, magkakalat na ako ng lagim!”  At muling lumipad nang lumipad sa kinaroroonang gubat.

NAG-REPORT na rin ang kapitan ng navy ship sa pinakamataas sa military hierarchy.

“We have to be prepared, anywhere this flying zombie will strike. At walang excuse kapag marami siyang napatay.”

“Correct. Hindi natin puwedeng ipaliwanag sa presidente at mga kapwa Pilipino natin na hindi kasi  natin alam ang mga lugar na plano nang atakehin ng flying zombie.”

“Iyan nga rin ho ang naisip ko, Sir.”

“Then palawakin ninyo ang karagatang inyong binabantayan. Sa lupa, bahala na akong makipag-usap sa Philipine Army.”

“Yes, Sir.”

NAISIPAN naman ni Herman na tawagan si Nikolai.

“Nikolai. Si Herman ito.”

“Why, yes of course! Nabobosesan kita! Nagulat lang ako sa biglang pagtawag mo. What’s up?”

“Nakahanda na kami ng mga body parts sa pagsalakay ng flying zombie. I hope you are, too. Hindi kami papayag dito na may masasaktan. At lalong hindi papayag na may mamamatay.”

“Paano mo muna nalaman ang celfone number ko?”

“Pasensya ka na, nakuha ko sa military. Magkaibigan naman daw tayo at hindi nila itinuturing na ang celfone number mo ay classified information.”

“Nikolai, mahirap ang kalaban, nakahanda kaming tumulong sa mga tao just in case …”

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with