Babae sa Chicago, nag-hula hoop ng 100 oras para sa world record

ITINALA kamakailan lang ni Jenny Doan ang record para sa pinakamatagal na paghu-hula hoop nang tuluy-tuloy.

Nag-hula hoop siya nang tuluy-tuloy sa loob ng 100 oras. Limang minutong pahinga lang ang ipinagkaloob sa kanya sa bawat isang oras na kanyang paghu-hula-hoop.

Sa huli ay higit apat na araw na paghuhula-hoop ang ginawa ni Doan, na tatlong oras lang ang itinulog sa buong panahong iyon.

Ayon sa kanyang mga kaibigan, pinaghandaan talaga ni Doan ang world record attempt sa pamamagitan ng pag-eensayo na para siyang sasabak sa isang marathon.

Umaasa naman si Doan na aabot ng 10 taon bago mahigitan ng iba ang kanyang naita­lang world record.

Show comments