Natatakot mabisto

Panaginip: Nagmamaneho ako ng kotse nang magtuluy-tuloy ito sa loob ng mall. Maraming tindahan ang nasagasaan. Nagtago ako at nagtatakbo para hindi malaman ng mga tao na ako ang driver ng kotse. - Malou

Interpretation: Ang iyong panaginip ay nagsasaad na nakaranas ka kamakailan lamang ng kahihiyan sa harap ng maraming tao. O, kaya ay may ginawa kang kapalpakan na iniingatan mong malaman ng ibang tao dahil malalagay ka sa alanganin kapag nabisto.

Show comments