Paghahanda sa lindol

Walang pinipiling oras ang lindol. Kaya kaila­ngang ihanda ang sarili at maging ang pamilya sa posibleng earthquake. Kapag handa ay mababawasan ang kaba sa gitna ng kalamidad.

1. Gawing pamilyar ang sarili sa lokasyon o lugar. Tandaan, kung saan nakalagay ang fire extinguisher, medical kits, exit routes, at pati ang building evacuation plan.

2. Gawin ang mga kailangang repairs sa bahay o building para maiwasan na masira pa sa anomang emergency.

3. Itago o itabi nang mabuti ang mga delikadong chemicals o flammable materials.

4. I-secure ang mga mabibigat na kasangkapan at naka-hang na gamit o bagay.

5. Ihanda ang survival kit para sa bahay at trabaho.

6. Makiisa sa mga ginagawang earthquake drill sa opisina at komunidad.

7.  Magplano ng designated na area o lugar kung saan magkikita ang pamil­ya kapag nagkahiwalay.

Show comments