Iniwan siya sa airport!

Panaginip: Pupunta kami sa abroad ng aking boyfriend para magbakasyon. Pero nang magkita kami sa airport ay kasama niya ang kanyang asawa at mga anak kaya naiwan ako. Nag-book ako sa ibang eroplano pero sira pala ito kaya hindi nakaalis.-NVG

 

Interpretation: Ang kabiguan mong makapag-abroad ay nagpapahayag na walang katiyakan ang iyong magiging buhay sa iyong boyfriend. Malaki ang posibilidad na hindi ikaw ang priority niya.

Show comments