Paano ka umibig?

Ayon sa Petsa ng Birthday mo?

One : Kung ang birthday mo ay 1 ng kahit anong buwan, naniniwala ka sa love at first sight. Extreme ang emosyon mo kaya love at hate lang ang pagpipi­lian. Walang in between. Sikaping huwag wakasan ang pakikipagrelasyon sa away.

Two: Romantic at loyal lover ka. Madalas kaysa hindi, ang pag-ibig mo ay hindi natutugunan ng pag-ibig. Ikaw lang ang umiibig pero wala namang gusto sa iyo ang iniibig mo.

Three: Matinding umibig ang may birthdate na 3. Kahit mga magulang ay hindi puwedeng kumontra basta’t nain-love siya sa isang tao.

Four: Naku, nagta-transform sa ibang katauhan kapag in-love. Dumarating ang pag-ibig sa hindi inaasahang pagkakataon.

Five: Basta’t umibig, walang makapipigl sa kanya. May feeling siya na pag-aari niya ang kanyang karelasyon. Lumalabas ang pinakamasama niyang pagkatao kapag may third party na gumugulo sa kanyang pakikipagrelasyon.

Six: Kadalasang na­dedebelop ang love mula sa friendship. Hindi siya sweet pero sincere umibig.

Itutuloy

Show comments