Para sa mga nagbabalak Mabuntis

Sino bang mag-asawa ang hindi nangangarap na magkaroon ng baby?

Kung nagbabalak nang magbuo ng pamilya ay kailangan may ilang dapat na gawin para maging matagumpay ang plano ng mag-asawa ayon sa webmd.com.

Kung okey na ang pa­nga­ngatawan na mayroon nang tamang timbang, hindi sobra ang ginagawang pag-e-exercise, magbuntis ng bata pa, ti­gi­lan na ang pag-inom ng alak at paninigarilyo; pero hindi pa rin umobra ay dapat i-check na ang isa pang tip.

Doblehin ang Vitamins

Para maging successful ang planong pagkakaroon ng baby, uminon ng prenatal vitamin na folic acid araw-araw para maiwasan ang birth defects na tinatawag na  neural tube defects.

Pero mag-ingat sa iniinom na megavitamins o supplements. Ang sobrang vitamin A, halimbawa ay iniuugnay sa problema sa mga lumalaking baby.

Show comments